Chapter fifty four TERRENCE Kahit hindi ko na tignan yung orasan kusa na ang katawan ko kumikilos at alam na alam kung susunduin ko na ba si Lou o hindi. Paaout na ako ngayon pupuntahan ko na rin ang asawa ko para sunduin sa trabaho niya, hindi pa ako pumapalya na sunduin siya dahil ayoko naman mapahamak siya sa labas lalo at gabi rin siya umuuwi. Maaga din siya nag out, naghihintay siya sa akin sa labas ng restaurant. “ Ang aga mo atang umuwi ngayon?” tanong ko sa kaniya. “ Medyo masama kase ang pakiramdam ko.” “ Ganun ba, sige umuwi na tayo agad.” Inalalayan ko siya, may sinat ang asawa ko, siguro sa sobrang pagod niya na rin kaya siya ganiyan, nag abang agada ko ng jeep, may nagpasakay naman agad sa amin kaya makakauwi kami agad ng maaga, kaso nga lang pansin ko, ang tulin ng jee