Chapter fifty LOU Ilang linggo din natrabaho si Terrence sa fast food at pinatigil ko na rin siya doon dahil napansin kong nangangayayat na siya, hindi na kagaya ng dati ang katawan niya, nag aalala ako dahil pagod siya araw araw, wala siyang pahinga kahit isang araw, kulang ang tulog niya dahil minsan gabi na siya umuuwi lalo tuwing maraming customer. Pumayag naman siya sa gusto ko, may kaunti siyang naipon sa pagpapart time niya, gusto niyang ibigay kanila mama at papa kaso hindi pa ako nakakadalaw noon simula ng nagalit si mama sa akin ng malamang wala ng negosyo si Terrence. Hindi naman nila nalaman na wala naman talaga siyang negosyo noon pa. Kapag yun ang nalaman nila mama at papa tiyak ako mas lalo nila akong kamumuhian. “ Kailan natin ibibigay itong naipon kong pera?” “ Umm,