Chapter three

1456 Words
Chapter three LOU Nakipag usap sa akin yug tatlong matatanda at kinurot ako ni mama sa tagiliran, gusto niya lang ako paalalahanan na huwag akong umayaw at huwag maging bastos sa mga bisita nila. Hindi ko alam kung paano nila nakilala ang mga ito. Pati si papa tuwang tuwa, para nila akong binenta sa mga taong ngayon palang nila nakikilala para lang sa pera. “ Civil wedding lang ang gusto namin, magpakasal ulit kayo sa Canada kapag dinala ka na doon.” Hindi talaga sila mapigilan sa gusto nila, si mama pinaplano na yung Civil Wedding na gusto nila para sa amin nung Mark, kahit nga tabihan yung matandang yun hindi ko na kaya, makasal pa kaya? “ Pa, ayoko sa kanya.” “ Anak, para sa ikabubuti mo yun.” “ Oo nga.” Si mama itong pumipilit talaga, gusto nilang mag asawa ako ng mayaman kahit na mas matanda pa sa kanila? “ Ah basta, hindi ako magpapakasal.” “ Lou! Ano ba? Gusto mo bang habang buhay na ganito tayo? Kapag bagyo wala man lang tayong makain, hindi makapangisda ang papa mo, tapos makailang beses na natin inayos itong bahay, kapag may bagyo nanaman siguradong gigiba na ito, hindi ka ba naaawa sa amin ng papa mo?” “ Sa akin ba hindi kayo naaawa?” “ Paano kami maaawa? Binibigyan ka na namin ng magandang buhay?” “ Pero hindi ko naman gusto yung buhay na gusto niyo para sa akin.” “ Anong gusto mo ha? Makahanap ka rin ng lalake na mas mahirap pa sa atin? Walang trabaho? Kulang ang kinikita? Kapag walang pera magtititigan na lang kayo sa gutom? Ganyan ba ang gusto mo?” Hindi na ako umimik pa, hindi naman porke magulang ko sila ay palagi na sialng tama, sana inintindi din nila kung anong gusto ko. “ Ano bang kinaaayawan mo kay Mark? Konting agwat lang naman yan anak.” Wala man lang akong kakampi, gusto talaga nila akong ipakasal sa lalakeng yun. “ Sa makalawa na ang kasal ha Lou, inaayos na nga nila yun, matagal naman na naming kakilala yung ate niyang si Dianna dahil turista sila dito sa bayan natin taon taon, mabait siya at mayaman kaya siguradong si Mark ay mabait din, maaalagaan ka niya ng maayos.” “ Hindi ako pwedeng magpakasal.” banggit ko, bigla na lang lumabas sa bibig ko yan. “ Aba? Bakit hindi pwede? Sige nga?” Nag isip agad ako ng maaaring dahilan. “ Kase may papakasalan akong iba.” Yan ang biglang sumagi sa isip ko kaya yan din ang nabanggit ko. “ Ha?” “ May papakasalan kang iba?” “ May kasintahan ka? Sino yan ha? Bakit hindi mo sinasabi sa amin?” Nako po, wala na akong maisip na ibang paraan para hindi matuloy ang kasal. “ Opo, meron at magpapakasal na din kami.” “ Sino yang lalakeng yan at hindi man lang humarap sa amin ng papa mo?” “ Kasama ko bang mangingisda yan anak?” tanong ni papa. “ Hi-hindi po, mayaman siya, matangkad, gwapo, masipag at higit sa lahat nagmamahalan kami.” Gumawa ako ng sarili kong mapapangasawa kahit na wala naman talaga akong kasintahan, anong gagawin ko? Wala ng atrasan ito. “ Mayaman? Bakit hindi mo sinabi kaagad na may mayaman ka palang kasintahan?” “ Oo nga anak, edi sana—” “ Edi sana nautangan niyo na, kaya nga ayaw ko sabihin dahil baka utangan niyo.” Nanahimik silang dalawa, tama ako sa hinala ko, kaso nga lang sino ipapakilala ko sa kanila? “ Kung ganun, kakausapin namin si Diana para hindi matuloy ang kasal, hindi mo naman kase kaagad sinabi na may kasintahan ka, edi sana hindi na kami nakipagplano.” Kahapon kase akala ko mapipigilan ko pa sila na huwag ipilit ang gusto nila na ipakasal ako sa matandang mayaman na yun. Kaso inaasikaso na nila yung kasal kaya napilitan akong magsinungaling. Hays, ano bai tong pinaggagawa ko? Sino naman ang ipapakilala kong mayaman kanila mama at papa? Kung si Boyet kaya? Kaso baka kakilala siya ni papa dahil mangingisda din siya sa kabilang bayan, at baka mabuko lang ako sa pagsisinungaling ko. Umiba ang trato nila mama at papa sa akin simula ng sabihin ko na amy kasintahan akong mayaman, hindi na nila pinilit pa na magikasal ako sa matandang mayaman na ipinakilala nila sa akin kahapon. Pumunta na lang ako sa dalampasigan upang makapag isip ng pwedeng gawin, nasabi ko na at wala ng bawian, kailangan ko ng makakasabwat na lalake upang magpanggap na kasintahan ko, kaso saan ako hahanap ng mukhang mayaman na lalake dito sa bayan namin? Halos lahat tambay. Sa kakaisip ko napalayo na ako ng narating, dalampasigan parin naman ito kaso madumi na banda dito. Makabalik na nga sa bahay, nagugutom na ako. Palayo na sana ako pero may narinig akong tumatahol na aso, nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar pero wala naman akong nakikitang aso. Mali lang baa ko ng dinig? Pinapakinggan kong mabuti pero, tahol talaga ng aso yung naririnig ko, mukhang parang nanghihingi ng tulong, baka naipit o baka may kaaway? Yun ang nasa isip ko kaya naman hinanap ko kung saan nagmumula yung aso na naririnig ko. Naglakad ako ulit at masyado ng masukal banda dito, baka may buwaya na o ahas, nakakatakot. Pero hindi yun ang napansin ko, may aso ngang tumatahol pero meron siyang tinataholang tao. Tinitigan ko yung tao, nakahiga siya at mukhang walang malay, nag-alangan akong lapitan dahil baka masamang tao, kaso nagtaka ako sa suot niyang damit, napakapormal. Tahol ng tahol yung aso na naligaw doon upang gisingin yung tao o kaya humingi ng tulong kaya siya nag iingay. Naglakas loob akong lapitan yung tinatahulan ng aso. Nakita kong sugatan yung lalake habang nakahandusay sa dalampasigan, may dugo banda sa ulo niya kaya akala ko patay na. Alam ko naman tumingin kung patay na o hindi, may pulso pa siya. Buhay pa ito. Mukha siyang mayaman at bakit ganito ang suot niya? napakapormal? Paano siya nakarating dito? May masama kayang nangyari sa kanya? Naagos siya ng dagat dito. Saan kaya ito galing? Naghanap ako ng pwedeng pagkakakilanlan sa lalaking ito, napansin kong may nakaumbok banda sa bulsa ng kanyang pants kaya tinignan ko agad kung ano yun. Wallet ang nakita ko at ang daming pera! May mga card din siya na kung ano ano, hindi ko naman alam kung para saan ang mga card na ito kaso basa lahat ng nasa wallet. May ID din siya kaya yun ang binasa ko. “ Terrence?” Hindi ko maintindihan yung nakalagay sa ID niya, pero siguradong siya itong nasa picture at Terrence ang pangalan niya? Parang napakayaman ng taong ito, halata naman sa laman ng wallet, puro tatlong ulo ang pera niya kaso basa lang. Nasa higit sampung libo ang pera na nasa wallet iba pa yung nasa card niya, malamang maraming pera itong lalaking to. Kailangan lang mapatuyo nitong mga pera para mapakinabangan. Malaki ang maitutulong nito para sa amin. Kaso nga lang, anong gagawin ko dito sa lalake? Alangan iwan ko dito? Hays, nakakakonsensya naman kung iiwan ko siya dito lalo at humihinga pa siya. Pero, paano din kapag nagising na siya? Hahanapin kaya niya itong wallet niya? Ibinulsa ko yung wallet na nakuha ko sa lalake, kinakabahan ako sa gagawin ko, kailangan din kase namin ng pera kaya nag alangan akong ibalik ito sa kanya. Tutulungan ko na lang siya. Paano ko ito bubuhatin? Ang bigat niya. Alangan magpatulong ako sa aso? Hays, kainis naman kailangan ko humingi ng tulong sa iba kaya naman pinuntahan ko si Maribel at tsaka bumalik dito sa lalake. Takang taka ang kaibigan ko dahil ngayon lang may napadpad na lalake na sugatan dito sa aming isla. Dinala namin siya sa ospital, ang layo pa ng ospital dito. Tinitignan na siya ng doktor sa may emergency room at naiwan kami ni Maribel dito sa may labas. “ Huy, sino ba kase yun?” “ Malay ko.” “ Ha? Anong malay mo? Baka masamang tao yan ah.” “ Hindi naman siya mukhang masamang tao.” Sagot ko, ang pogi nga nung lalake at mukhang mayaman. “ Teka, teka, ano na palang balita sa pakakasalan mo? Hanggang sa amin tsismis yun kase mayaman yung lalake.” “ Mayaman nga pero mas matanda naman kesa kanila mama at papa.” “ Ay? Matanda? Bakit matanda? Akala ko pa naman kasing pogi nung lalake na dinala natin dito sa ospital.” Hays, oo nga pala. Yan pa ang pinoproblema ko, nagsinungaling ako kanila mama tungkol sa kasintahan ko. Ang akala nila may kasintahan akong mayaman kaya hindi na nila itinuloy yung kasal. Sino ang ihaharap ko sa kanila na boyfriend ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD