Chapter two hundred nine LOU Gabi na ng magising si Terrence, sakto rin nandito na ang mga magulang niya, mukhang may pinuntahang salo salo, hindi naman kami pinapansin ng mama niya, ang papa niya lang ang sabik sa apo nila. Ang mama niya hindi man lang tinignan ang anak ko, wala parin siyang pakealam kahit na yung babaeng gusto nila para sa anak nila ay niloko sila. “ Terrence.” “ Bakit?” “ Pwedeng dito ka matulog?” “ Bakit? natatakot ka? Walang aswang dito.” “ Hindi dahil doon.” Ngayon ko lang siya nakausap dahil kanina ang haba ng tulog niya, siya daw ang magbabantay ngayon kay baby at patutulugin din niya ako dahil kanina mahaba ang tulog nilang dalawa. “ Sige, total ako naman ang magbabantay sa kaniya ngayon hindi ako matutulog.” “ Umidlip ka rin kapag nakatulog siya.” “

