Chapter one hundred sixteen TERRENCE I thought this was a busy and normal day for me, but this day? It means a lot for me. Ang saya ko pa noong umaga, normal na normal ang lahat sa akin, masaya kami ni Lou at hinatid ko pa siya sa labas bago umalis ng bahay. Pupunta kase siya kanila mama at papa, alam ko naman na hindi na kagaya ng dati ang trato ng kaniyang mga magulang kaya naman umiwas lang din ako baka madagdagan ang sama ng loob nila sa akin, may sakit din sila kaya iintindihin ko na lang. Natapos ko na ang gawain ko dito sa bahay kaya naman mas napaaga ako ng alis, hihintayin ko na lang si Lou sa may tindahan malapit sa kanila. Baka kase hindi siya magtagal doon kaya maaga na akong pumunta sa lugar nila. Hindi rin ako pwedeng maghintay sa gilid ng highway dahil walang mauupuan