Chapter fifty seven TERRENCE Binisita namin ang mga magulang ni Lou kaso nga lang mas malala ang nangyayari dahil hindi nila kami masyadong kinakausap hindi kagaya noon, palakwento pa sila at palangiti, kaso ngayon wala na, hindi na nila nagagawa sa akin iyon. Nagmano si Lou pero ng magmano na ako sa kanila ay hindi talaga nila inaabot ang kanilang kamay. Napahiya ako at parang umiba ang pakiramdam, oo nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sarili at lungkot pero nilalakasan ko ang aking loob dahil sa asawa ko. Ayoko naman na umiba ang relasyon namin ng dahil sa mga magulang niya. Nakikinig lamang ako ng kanilang usapan, nasa gilid ako ng pinto at si Lou naman nasa tabi ko, inaya ako ng kaniyang ama na mangisda, pumayag ako na sumama ng hindi nag iisip. Gusto ko kaseng bumalik ang dati ni