Chapter ninety LOU Hindi ko talaga mapigilan si Terrence, sumang ayon na akong pumunta kami sa Maynila kahit saktong sakto lang ang dala naming pera, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi na nga siya nakakapagdagdag ng pera sa ipon namin dahil ginagamit niya sa panggastos sa paghahanap niya sa mga kamag anak niya na akala niya ay Agustin ang apelyedo. Nasa airport na kami, tinulungan kami ni maam Eloisa sa matutuluyan namin sa Maynila, binigay na lang niya yung lugar at tinuro kung ano ang sasakyan papunta sa tutuluyan namin. Pagdating namin sa Maynila ay agad naming pinuntahan yung bahay na sinasabi ni maam Eloisa, sa kanila yun dati kaso yung nagbabantay na lang ng bahay ang tanging nakatira doon. Maayos naman ang bahay, malinis din kaso nga lang yung kapitbaha