Chapter sixty three LOU Naglakad na ako palapit sa entrance, hinarangan agada ko ng gwardya dahil derederetso lang ako na parang nasa bahay lang, mga kasabayan ko puro naka formal. “ Miss saan ka pupunta?” “ Sa room po namin.” Hindi siya nagtanong muli pero tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “ Nawawala po ako kanina kaya ako bumalik dito, ang lawak po kase sa may parkingan.” “ Sinong kasama mo sa loob, tatawagan muna namin.” “ Hindi ka ba naniniwala na sa galing ako sa loob?” “ Mahirap na miss, kami rin mapapagalitan kung manloloko ka.” “ Anong manloloko manong, hindi naman kita niloloko ah. Totoo sinasabi ko galing ako sa room 405 kasama ko yung mga nasa seminar.” “ Sandali lang mas mabuting icheck ko muna.” Aba itong gwardyang ito, tinignan muna ako sa itsura at sa suot k