Chapter one hundred two TERRENCE Inaya ko si Lou sa tulay na inaayos, gusto ko kase kasama siya kapag bumalik na ang ala ala ko, gusto ko siya rin ang nasa tabi ko. Isa ang tulay na iyon sa malaking impact sa isipan ko, ewan ko ba bakit tugma ang lugar na iyon sa ala ala na sumasagi sa isipan ko, yun lang ang lugar dito sa Palawan na bumalik sa akin kaso napakasama naman ng pangyayari sa panaginip ko, I mean ala ala dahil sa tulay na iyon ay nahulog daw ako habang nagmamaneho ng sasakyan. “ Bakit doon pa?” “ Gusto kong lapitan, gusto ko ring balikan ang lugar na iyon.” Naikwento ko sa kaniya na may pinuntahan kami ng boss ko at nadaanan namin ang tulay na iyon. “ Pasensya ka na, palagi na lang akong ganito tapos wala rin nangyayari puro palpak.” “ Ayos lang, sasamahan naman kita.” P