Chapter one hundred seventy five TERRENCE Umuwi rin kami agad ni Lou, akala ko kanina may masama ng nangyari sa kaniya, nakita kong may patak ng kung ano yung damit niya, dugo pala. Mabuti na lang nasa maayos na kalagayan ang anak ko at si Lou. Magaan sa pakiramdam, kanina kase kahit ipakita kong kalmado ako ay kinakabahan parin ako sa nangyayari, kailangan na niya mag ingat ng mabuti at bantayan ang mga kinakain niya. Pagpark ko ng sasakyan nakita ko yung sasakyan ng parents ni Eloisa, nandito parin pala sila. Akala ko aalis na sila agad, mukhang hinihintay pa nila ako. Kanina nakikisama lang ako sa kanila dahil pinag uusapan na nila ang kasal namin ni Eloisa, hindi naman ako pumapayag na bigyan agad ng petsa ang kasal namin dahil hindi ko gusto ang sitwasyon namin ngayon ni Eloisa.

