Chapter one hundred fifty one LOU Hindi ko sinasadyang makasama ang papa ni Terrence dito sa bandang garden, akala ko walang tao dahil ang tahimik. “ Nagpapainit ka rin ba? Halika dito hija.” Sabi ng papa ni Terrence sa akin. Ang aga naman niyang magising? Nagpapainit din siya kagaya ng ginagawa ko tuwing umaga. Lumapit ako sa kaniya at umupo. Nakakahiya naman kung hindi ko siya susundin. “ Magandang umaga po pala.” “ Magandang umaga din hija, napakaganda naman talaga ng umaga ngayon.” maailiwalas nga talaga ang kalangitan at walang halong pagkulimlim. Nakipagkwentuhan sa akin ang papa ni Terrence, nabigla ako kase parang matagal na kaming magkakilala kung makipagkwentuhan siya sa akin. Hindi siya kaugali ng mama ni Terrence, ang layo layo. Tinatanong niya rin ang pamumuhay ko noo