Chapter fifty two TERRENCE Maaga kong susunduin ngayon ang asawa ko, kailangan kase niyang magpahinga ngayon lalo may regla siya, hindi ko naman alam ang pakiramdam pero nag aalala kase ako sa kaniya. Ang dami nilang customer ngayon, may mga naghihintay pa sa may pintuan. Mga turista ata itong mga to? Umupo ako sa gilid upang hintayin siya, baka mahuli nanaman siyang umuwi, kung pwede ko nga lang siyang tulungan sa ginagaw aniya dahil dinagsa ata sila ng turista. “ Kuya bili ka na.” sabi sa akin ng bata na palaging lumalapit sa akin tuwing maghihintay ako kay Lou. “ Hindi kase ako kumakain ng ganiyan.” “ Ito na lang kuya pugo, o kaya mani.” “ Candy na lang.” Pareho kaming umupo sa gilid, mukhang napagod ata siya kakalakad, halos isang oras din ako dito na nakaupo, tapos naman na