Chapter one

1428 Words
Chapter one TERRENCE Sa wakas. Ito na ang pinakahihintay naming araw ni Eloisa dahil, sa araw na ito ay magiging isa na kami, at habang buhay na niyang dadalhin ang apelyedo ko. Nasa venue na sila at halos lahat ng nakikita ko sa phone ko puro congratulations. Nasa hotel ako dito sa Palawan, ito kase ang piniling lugar ni Eloisa dahil ang gusto niya ay beach wedding. Lahat ng gusto niya ay sinunod ko, ganyan ko siya kamahal. Naghahanda na akong umalis, ako na lang at ang best man ko ang naiwan dito sa hotel. “ Tol, hindi ka pa ba tapos diyan?” “ Mauna ka na kuya, susunod na lang ako.” Ang best man ko ay ang pinakamabait kong kuya na si Cedrick, nauna pa akong nag asawa sa kanya dahil mapili siya sa babae. Dalawang taon lang naman ang agwat namin kaya siguradong makakahanap din siya ng para sa kanya. “ Sige tol, mauna na ako sa venue, hinahanap na ako ni dad.” “ Pakisabi susunod na ako.” Hindi kase ako mapakali, parang may nakalimutan pa akong gawin pero tapos naman na ako magbihis at kumpleto na silang lahat sa venue. Ganito pala kakaba kapag ikinakasal. Huminga ako ng malalim at tsaka lumabas. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko ngayon dahil may halong tuwa at kaba, ang lakas ng kabog ng aking dibdib habang papunta ako sa sasakyan na gagamitin ko. “ Ano ba tong nangyayari sa akin?” Bago ko paandarin yung sasakyan ay may nakita pa akong kulay itim na pusa na dumaan sa harapan ng sasakyan ko. Naalala ko yung pamahiin nila na malas daw ang itim na pusa, hindi naman ako naniniwala doon, pamahiin lang ng mga matatanda yun para panakot. Umalis na agad ako dahil ilang minuto pa ang byahe bago ako makarating sa beach na pinili ni Eloisa. Napakaganda ng tanawin na nadadaanan ko kaya napakagaan sa pakiramdam ang magbyahe mag isa. Nawawala ang kaba ko tuwing tatanaw ako sa paligid. Kaso napahinto ako ng biglang umingay ng malakas itong sasakyan. Nagtaka ako kung bakit may kakaibang ingay na nagmumula sa sasakyan na ginamit ko dahil, bagong bili lang namin ito. Lumabas ako upang tignan ang makina, maayos naman ang lahat kaya bumalik ulit ako sa loob. Pinaandar ko ito at wala na akong naririnig na kakaibang tunog. Malalate na ako kaya naman binilisan ko ang aking pagmamaneho, kasalanan ko rin dahil hindi ako nakisabay kay kuya papunta sa venue. Magkaiba kami ng hotel ni Eloisa, mas malapit siya sa venue kesa sa akin. Tang ina naman baka malate pa ako! Kung hindi ako huminto malamang kanina pa ako na nandoon. Ang bilis ng patakbo ng sasakyan ko kaya inaapakan ko yung preno ngunit, bakit hindi gumagana? Palipat lipat ako ng tingin sa preno at sa daan. Inaapakan ko na yung preno pero ayaw gumana. Lintek! Anong nangyayari? Tulay pa man din ang madadaanan ko pero ayaw gumana ng preno! Pinipilit kong ihinto ang sasakyan kaso ayaw, may makakasalubong ako na dalawang sasakyan kaya naman ginilid ko agad yung sasakyan ko upang hindi ako mabangga, kaso nga lang derederetso na ito sa may gilid ng tulay dahil sira ang preno ko. Dagat pa man din ang nasa ibabang bahagi ng tulay. Wala akong nagawa kung hindi ang mahulog sa dagat kasama ang sasakyan ko. Ang sakit ng pagkakabagsak ko sa tubig, nakaramdam ako ng pagkahilo ngunit pinilit kong imulat ang mga mata ko upang makaalis dito sa sasakyan. Nahirapan akong buksan ang pinto ng sasakyan dahil pumasok na ang tubig alat dito sa loob, hinang hina ako dahil nawawalan na akong oxygen kakatulak sa pinto ng sasakyan. Iniisip ko si Eloisa. Iniisip ko ang pamilya ko. Wala na ba akong pag asa? Hanggang dito na lang ba talaga ako? Nahirapan akong huminga matapos kong itulak ng malakas yung pinto ng sasakyan, naipikit ko ng paunti unti ang aking mga mata at nawalan na ako ng malay. Para akong nakatulog ng mahaba. Pakiramdam ko nasa langit na ako, pero naigagalaw ko ang mga kamay ko, nararamdaman kong may humahawak nito. Marami akong naririnig sa paligid ko, ibat ibang tunod ng makina at mga taong nag uusap. At ng makakuha ako ng lakas ay iminulat ko na ang aking mga mata, tinignan ko agad ang buong paligid kung nasaan ako ngayon. May nakikita akong doktor. May nakikita akong nurse. Maraming nakasaksak sa akin na mga apparatus. Gusto kong maigalaw ang buong katawan ko ngunit para akong namanhid, tanging ang mga mata at kamay ko lang ang naigagalaw ko paunti unti. “ Gising na siya.” Sabi ng isang babae sa gilid ko, hindi ko siya kilala. Hindi rin naman ako makapagsalita dahil may nakadikit na aparato sa bibig ko, tinititigan ko lang itong babae na nasa gilid ko, inaalala kung sino siya. Teka? Bakit ba ako narito sa ospital? Anong nangyari sa akin at sino ako? Inaalala ko ang pangalan ko ngunit hindi ko maalala. Napakunot ako ng noo kakaisip ng pangalan ko, at kung bakit ako narito sa ospital, sa sobrang kakaisip ko ay napapikit na lang ako ng mariin. Sumakit lalo ang ulo at buong katawan ko. “ Sir, huwag po kayo masyadong gumalaw.” Sabi ng nurse sa akin. Wala akong kakilala ni isa sa mga tao dito sa paligid ko, maski ang sarili ko, hindi ko kilala. Ang sakit sa ulo ng nangyayari sa akin dahil pinipilit kong alalahanin lahat tungkol sa akin. Hindi ko kaya, mas naiinis pa ako tuwing inaalala ko lahat. “ Marami pang itetest sa kanya maam.” “ Okay sige.” Tinititigan ko yung babae na nasa gilid ko, mahaba ang kanyang buhok, morena at matangkad. Maya maya pa ay dumating na ang doktor at inalis na niya ang ibang aparato na nakakabit sa akin. Mas naging maayos ang paggalaw ko, nakakapagsalita na rin ako ng maayos ngunit, bakit wala akong maalala? “ Sir, kukuhanan pa po namin kayo ng blood sample.” Hindi ko pinahintulutan na kunan ako ng dugo dahil iba ang pakiramdam ko. “ Pwede ko ba malaman kung nasaan ako?” “ Nasa Palawan po kayo.” “ Palawan?” “ Dinala po niya kayo dito” turo ng nurse sa babaeng nasa gilid ko. Pilit kong kinikilala yung babae ngunit hindi ko talaga siya maalala. “ Sir? Pwede ba namin malaman kung ano ang nangyari sayo bago kayo maaksidente?” tanong ng doktor sa akin. “ Wala akong maalala.” Sagot ko. “ Hindi ko maalala kung anong nangyari sa akin.” “ Pero sir paano namin malalaman yung—” “ Hindi ko alam!” napasigaw ako dahil ang hirap ng ganito, gusto kong pilitin maalala yung mga nangyari sa akin at pati sarili ko hindi ko malaman kung sino ba ako. “ Wala akong maalala, bakit ganito? Hindi ko alam kung sino ako, hindi ko matandaan lahat ng nangyari, maski siya hindi ko siya kilala.” Tinuro ko yung babae na nasa gilid ko. “ Maam, may amnesia itong pasyente.” Sabi ng doktor. “ Maam kaano ano ka po ba ni sir? Kayo ang nagdala sa kanya dito.” Ang tagal bago sumagot nung babae, pare pareho kami na naghihintay ng sagot niya. “ A-ako si Lou.” Mautal utal na sabi niya. “ Fiance niya.” Fiancé? Ang babaeng ito ay fiancé ko? Maski ako nabigla sa kanyang sinabi, ibig sabihin lang nun ay matagal na kaming magkakilala. Siya ang susi upang mabalik ang aking ala-ala. “ Ibig sabihin kilala mo lahat tungkol sa akin?” “ Oo.” Agad niyang sagot. Medyo gumaan ang loob ko dahil may taong nakakakilala pa sa akin, siya daw ang fiancé ko pero bakit wala akong maramdaman sa kanya? “ Maam maaari ba namin kayong makausap tungkol sa pasyente?” tanong ng nurse kay Lou, yun kase ang binanggit niyang pangalan niya. Lumabas sila ng nurse habang yung doktor ay tinitignan ang blood pressure ko. Kinakalma ko ang aking sarili dahil gusto kong malaman ang tungkol sa pagkatao ko, ang hirap ng ganito, walang maalala. Ang sakit sa ulo na hindi mo man lang alam maski pangalan ko. Naghahalo ang emosyon ko, naiinis at nagtatakot ako ngayon dahil hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ba ang nag iisang tao na nakakakilala sa akin. Hays, bakit kase wala akong maalala? Napakaliit ng ospital na ito, hindi ko naman alam kung taga dito ba ako o taga ibang lugar. Kailangan ko rin makausap si Lou, napakarami kong katanungan sa kanya. Nagpahinga na lang muna ako habang hinihintay si Lou na makabalik dito sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD