Chapter one hundred ninety four TERRENCE Ang hirap magpanggap na ako parin yung dating Terrence na ginawa nilang tanga, na ginawa nilang sunod sunuran. Kung gumaling lang ako ng maaga at bumalik agad ang aking mga ala ala hindi na ako babalik dito sa bahay. Mas gugustuhin ko pang manatili sa simpleng buhay ko sa Palawan kesa ang makisama sa kadugo ko na hindi man lang inalala ang damdamin ko. Nadidismaya ako sa lahat. Lalo kanila mommy at kuya Cedrick. Ngayon babaliktarin ko ang sitwasyon ng hindi nila nalalaman, kailangan ko mag ingat sa mga plano ko kaya kailangan ko silang paniwalain na ako parin yung Terrence na nauuto ni Eloisa. “ Anak, samahan mo si Eloisa ngayon, may pupuntahan daw siya sabi ng mommy niya, ayaw na kaseng paalisin ng mommy niya si Eloisa ng walang kasama kaya

