Chapter sixty five LOU Hindi kami umalis ng umaga dito sa hotel, may mga pinapili silang damit sa akin at kay Terrence, puro mahahaba na gown at may maskara pa. Hindi ko nga alam kung anong kulay ang pipiliin ko puro magaganda kaso mukhang hindi bagay sa akin lahat. Si Terrence ang namili para sa akin, kulay itim ang pinili niya na may kulay puting desenyo sa ibabaw, may maskara din akong kulay itim, kalahating mukha ko lang ang natatakpan. Siya naman yung maskara niya kulay itim din halos pareho ng disenyo sa akin, yung damit niya parang kapareho lang din ng suot niya kahapon. Ibang gusali ata yung pupuntahan namin, may lalake na pumunta dito para ayusan ako, nahihiya nga ako kase ang kinis ng mukha niya. Kailangan talaga mag ayos? Tinali niya ang buhok ko at komportable naman ako