Chapter one hundred thirty two LOU Hindi ko pa nasasabi kanila mama at papa na may tutulong sa akin kapag pumunta ako sa Maynila, alam din ni maam Eloisa na buntis ako kaya naawa siya sa akin. Hindi rin pwede si Maribel na sumama sa akin dahil takot daw siyang bumyahe lalo sa eroplano o kaya barko, hindi kase nasanay yan simula pagkabata nasa isla na kaming dalawa. Kailangan ko talaga maging matapang, kailangan kong matutong mag isa. Hindi nga pala ako nag iisa dahil kasama ko ang baby ko, tatatagan ko ang aking loob para sa kaniya, hindi ko rin talaga siya kakayaning buhayin ng mag isa. “ Manghihiram ako kay aling Berta kung sakaling aalis ka, pangpamasahe mo at yung matira pangkain mo na kaya kailangan magkita na kayo agad ng ama ng anak mo, ng asawa mo, alam dapat niya ang respons