***MANET*** “Ate, uminom ka muna ulit para ma-relax ka. Come on,” pag-aalok ni Aman sa kinuha na naman niyang tubig para kay Ate Manet niya. Ilang oras na ang nakakalipas mula pinalayas ni Manet ang asawa pero hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya. Hindi niya mapigilan ang sarili. Nanginginig siya kaya labis-labis na ang pag-aalala ni Aman para sa kanya. May time rin na naninikip ang kanyang dibdib at paminsan-minsan napapahawak siya sa maumbok niyang tiyan dahil may sumasakit bigla doon. Napatiim-bagang si Aman nang walang naging kilos ang kanyang Ate Manet kahit no’ng inilapit niya ang baso sa bibig nito. “Huwag mo nang isipin ‘yon. Kahit wala naman si Kuya ay nandito lang ako,” pampalubag-loob ulit ni Aman sa kapatid. Subalit ay nakatulala lang pa rin si Manet. Parang lahat nang s