***AMAN*** Kung paano nakabalik si Aman sa hotel na kanyang tinutuluyan pansamantala sa Mindoro ay hindi na niya namalayan. Basta na-realize na lamang niya na naroon na siya sa mamahaling kama ng silid niya. He was now lying in bed, arms folded behind his head while staring at the ceiling. Actually, wala naman siyang iniisip, blangko ang kanyang isipan. Basta nakatulala lamang siya sa kisame at ilang minuto na ang nakakalipas. Minsan ay sumasagi sa isip niya ang masayang araw na magkasintahan pa sila ni Manet, pero agad niyang pinuputol. Hindi na dapat na nag-iisip siya ng kung anu-ano tungkol sa kanila ni Manet. Tapos na ang kanilang kabanata. Dapat na niyang itupi ang kanilang libro ng nakaraan at mag-umpisa ulit siya ng mga pahina sa buhay niya kasama ang babaeng susunod niyang mama