***DHENNA*** Kung gaano katagal na lumuluha siya sa may living roon ay hindi na alam ni Dhenna. Iyak lang siya nang iyak simula pa kanina na iniwan siya ni Randy. Nanginginig ang mga kamay niya na nagkikiskisan sa kanyang kandungan. Takot na takot siya dahil wala pa siyang naiisip na paraan paanong makakapag-stay siya sa bahay na iyon. May naisip naman na siya kanina pero hindi naman niya tiyak kung gagana iyon. Natawagan na niya si Kai na tulungan siya upang gumana ang plano niya na iyon ngunit hindi siya tiwala sa kaibigan. Lalo’t hindi sang-ayon ang bruhang iyon sa ginagawa niyang maging kabit. Nasabunutan niya ang ulo. Anong gagawin niya? Ayaw niya talagang umalis. Kahit ang lumabas lang sa may front door ay ayaw niya. Natatakot siyang umalis dahil baka ‘pag umalis siya ay hindi