"Hindi ka naman nagmamadali?" nakangising tanong sa akin ni Kimberly pagkasakay ko ng kotse. "Nagmamadali na, marami pa akong illegal business nilang kailangan asikasuhin. Hindi espesyal ang mga iyan para ingatan." Ibinato ko ang tingin sa labas ng bintana kung saan nagkakagulo ang mga tao, nagkanya-kanya labas na ang ilan na ang mahalaga lang sa mga oras na iyon ay maitago ang kanilang mga mukha. Mga tumatangkilik sa mga illegal na negosyo ng mga Soloren, pero hindi kayang harapin ang consequences. "Ipadala mo sa media ang mga CCTV footage ng mga illegal casino ng mga Soloren. Huwag mong tatakpan ang mga mukha nila. Hayaan mong malaman ng mundo ang mga baho nila." "Noted." "Tiyakin n'yo ring kakalat ang video ni Uncle Manny na tumalon sa gusali." "Nagsabi na po si Miss Garette