"Good morning, Mr. Riverra." Agad na naglahad ng kamay si Uncle Jericho sa ama-amahan ni Luci. Natuloy rin ang balak na meeting today. Halatang wala pang tulog ang ama ng asawa ko. Ito ang halos nagma-manage ng lahat. Umabot din sa aking kaalaman na ang ilan sa mga investor ay nagsisipag-pull out na, kaya naman mukha itong stress na stress ngayon. "Good morning, Mr. Soloren. I'm glad na kahit busy ka ay nakapunta ka pa rin." Tugon naman ni Mr. Riverra rito. "Ikaw pa ba naman? Hindi ako tatangi." "Mabuti naman. Nabalitaan kong medyo sumama ang loob ng iyong ina regarding sa pagbili ko ng mga lupa rito sa Sindang." "Oh that... don't mind it. Matanda na ang aking ina. Mabilis magtampo at kung ano man ang umabot na salita sa 'yo, tiyak na hindi naman iyon masama." "I understand naman.