"Hala! Grabe naman ito." Dinig ko ang bulungan ng mga bisita. Halos nagkakaingay na sa paligid dahil sa mga bisitang nakatitig sa cellphone nila. Pare-parehong nagpla-play ang video na kinuha ko. Nang sulyapan ko si Imelda ay katabi nito ang aking amang si Melchor. Seryosong nakatitig sa akin ang aking ama, kaya naman ngumisi ako rito. Bakit wala pa rin s'yang ginagawa para protektahan ang kanyang pamilya? Dapat mayroon na. Dapat may gawin s'ya dahil pamilya n'ya ang mga taong pinapabagsak ko. "Hindi totoo iyan!" parang sumabog na si Imelda. Nasa tabi pa naman ito ng kabaong ni Lolo. Mabilis itong inawat ni Daddy, pero tinabig lang ni Imelda ang kamay n'ya. "Killer ka, Imelda." Hindi ko nakita kung sino ang nagsalita no'n. Sumigaw tuloy si Imelda dahil doon. "Iyan pa rin iyong su