Huling gabi, marami pa rin namang bisita. Pero halata namang narito lang para plastic-in ang mga Soloren. Hindi sila tunay na nakikiramay. Narito lang sila para makadaupang palad ang ibang negosyante, makahanap ng investor, at panibagong madidikitan. Nakahawak ako sa braso ni Daddy Lo. Nang pumasok kami sa chapel ay agad sumalubong si Uncle Jericho sa aking ama-amahan. "Salamat sa pagpunta." "Nakikiramay kami sa iyo at sa pamilya mo." Naglahad pa ng kamay si Daddy Lo sa lalaki. "Thank you, tuloy kayo." Ngumiti lang ako rito. Saka kami tumuloy sa pagpasok. Ang mag-asawang Alejandro at Coleen ay kasama ni Karik sa isang table. Sumenyas nga agad ang babae pero bahagya akong umiling. Kasama ko si Daddy Lo. Alangan namang iwan ko ito. "Sige na, I can manage." "Pero---" "Huwag kang ma