Gusto ko ang nakikita kong pagkalito sa mukha ng matandang lalaki. Nanginginig ang tuhod nito, sabu-sabunot n'ya ang buhok at panay ang bulong. Pinalabas na ang ilang tauhan. "I can't believe this!" kapos sa hangin na ani ng matanda. Mamamatay pa yata ito dahil lang nalaman nito na maghihirap na ito. "Lahat ng properties na mayroon tayo ay dinispose mo. Wala kang utak." Pinapakalma naman ni Coleen ang kanyang Lola. Mugto ang mata nito, gano'n din si Venaria. Mga babaeng hindi sanay na magbanat ng buto para sa sarili. Palibhasa sila ang humiga sa yaman ni Paquito Verson. "Pasensya na, Mr. Riverra. Nadamay pa kayo rito." Hingi nang paumanhin ni Alejandro. "Bullshit!" bigla na lang sinipa ni Uncle ang center table. Mabilis ko namang naiangat ang paa ko. Bumagsak ang babasaging lam