Malawak ang ngiti ng nurse nang bumalik sila. Si Coleen ay halatang nakahinga nang maluwag. Nang makaupo ito ay ginagap pa nito ang kamay ni Alejandro. "Positive po, Sir Miguel." Magalang na tugon ng babae. Napatango naman ang abogado. "See, I told you naman." Galak na ani ni Lola Hilda. "I want to say something." Napatingin ang lahat kay Alejandro na nagtaas pa ng kamay. Napabitiw naman sa sa pagkakahawak si Coleen. Sanay akong bumasa ng expression ng isang tao. Agad binalot ng takot ang mukha nito. Pati na ang kamay nito na pinagsalikop at pinipigil ang panginginig no'n. "Shut up, Alejandro." May diing awat ni Lola. "Let him talk, Hilda. Asawa s'ya ni Coleen, may say rin s'ya sa usaping ito. Go on, hijo." "Wala pong nangyayari sa amin ng asawa ko sa ilang buwan na lumipas. Sa i