"No! No! Ayos lang ako." Tinabig ko ang kamay ng doctor na may syringe na hawak. Nagising ako na narito sa ospital. Hindi ko alam kung paanong nangyari na narito na ako pero mabuti na lang at nagising ako bago pa turukan ng kung anong klase ng gamot. Ayaw ko pang mamatay, sabi ni Lucille ay matri-trigger daw ang gamot na inilagay n'ya sa katawan ko kapag may ibang gamot na ipinainom o itinusok sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. "Gusto n'yo lang lasunin ako lalo. Huwag n'yo akong hahawakan. Uuwi na ako." "Pero---" magsasalita pa sana ang doctor ngunit dumating na ang asawa at anak ko. "Anak, iuwi mo na ako. Walang masakit sa akin. Tara na!" bumaba ako ng hospital bed at yumakap sa aking anak. "Mom, are you sure?" tanong nito sa akin. Hindi ko tinapunan ng tingin ang asawa k