Mabilis akong napabalikwas sa muling malakas na ingay na nanggagaling sa ibaba. Narinig ko pa ang halos sabay-sabay na pagbukas ng mga pinto. Patakbo akong bumaba ng hagdan nang makita kong papasok si Uncle Jericho at Uncle Melchor sa sala. Bumukas din nang sabay-sabay ang mga ilaw. Pati ang mag-asawang Soloren ay nabulahaw. Ang mga kasambahay ay ganoon din. Nakita namin si Uncle Manny na sigaw nang sigaw. Walang saplot katulad kanina, ngunit ngayon ay dumudugo na ang gitna, damn! Wala na ang p*********i nito. Hawak nito sa kanang kamay iyon. Habang ang kaliwa naman ay naroon ang isang patalim. "Manny! Anong ginawa mo?" napatakbo si Uncle Jericho at Uncle Melchor sa kanilang kapatid. Mas bumilis din tuloy ang pagbaba ko at kinuha sa lalaki ang patalim at itinapon na lang iyon basta