Thirty-Two Hindi raw kami uuwi. Ang ilan sa kaibigan ni Gage ay nagpaalam na kanina. I understand naman na busy sila, thankful na lang at kahit papaano ay may time silang sumama sa amin at ginawang memorable ang araw na ito. Pinakatuwang-tuwa ako ng maglaro kami kanina. Kaya kahit nasa silid na kami ng hotel ay malawak pa rin ang ngiti ko. "Stop smiling, it's weird!" saway ni Gage na tumabi ng higa sa tabi ko. "Remember 'yong sinabi mo na 'wag akong ngingiti kapag hindi naman talaga totoo iyon-- Gage, 'yong mga ngiti ko ngayon, totoong-totoo!" hindi ko napigil ang maluha. Sabay subsob ng mukha sa dibdib nito. "Heay!" "Sorry, I'm just so happy!" sabi ko rito, sabay tingin kay Gage at hinaplos ang ilong ni Gage. "I'm glad na masaya ka---" "Ikaw ang dahilan, sila Quinn, Batsy at an