Thirty-six "Nazneen!" "Quinn, gustong-gusto ko ng gumaling. Kelan ba 'yong susunod na session nating dalawa?" malungkot ang expression ng mukha ko. "Nagmamadali ka na naman!" "Kasi naman, pakiramdam ko ibang-iba ang nakukuha kong treatment sa mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko hindi ako normal!" "Paano si Gage?" "For sure okay na okay kay Gage 'yon." "Tiyak na tututol s'ya pero sige, magdahilan ka sa mga bodyguards mo. Puntahan mo ako rito sa bahay bukas." Tiyak na nasa office si Gage bukas, balik office na ito at magagawa namin ni Quinn ang dapat na gawin para maging okay ako. Kinaumagahan sinabi ko sa mga guards na pupunta ako sa bahay ni Quinn. Agad naman silang pumayag. Naiwan sa guards house ang mga ito. Gaya ni Gage wala rin si Abe, I think nasa office rin ito at n