CHAPTER 36 Kanina pa gising si Cara pero nanatili lamang siyang nakahiga sa kanyang kama. Her eyes were opened and was just staring at the window. Doon siya nakatanaw ngunit ang kanyang isip ay malayo ang tinatakbo. Until now, she can't believe na tuluyan na silang wala sa pamamahay ni Leandro. Kahapon nga, pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Leandro ay nagdesisyon na siyang umalis ng kanyang opisina. Aside from the fact na alam niyang hindi na siya makakapagtrabaho nang matino dahil sa naging pagtatalo nila ng kanyang asawa, Cara also wanted to grab that chance to leave Leandro's house. Pagkalabas nga sa opisina ay dali-dali siyang nagpasundo kay Mang David. Nang makarating siya sa bahay ni Leandro ay naabutan niya pa ang ina nito. She was just civil at her and chose to pay more att