CHAPTER 59 Marahang ipinarada ni Leandro ang sasakyang minamaneho nito sa harap ng Gem Galore. Nang sumunod na araw ay nagpresinta ito na ihatid siya sa kanyang trabaho. Kahapon nga ay tuluyan na siyang hindi pumasok sa trabaho at ginugol na lamang ang buong araw kasama ang kanyang pamilya. Cara just felt so happy knowing that everything between them is just doing fine. Wala na siguro siyang mahihiling pa ngayong maayos na ang lahat sa kanila ng kanyang asawa. At kung ano man ang mga nangyari sa kanila sa mga nakalipas na buwan ay hindi na nakakaapekto sa kanila ngayon. Nang ihinto nito ang sasakyan ay agad nang kinuha ni Cara ang kanyang mga gamit. She was about to kiss him at pababa na sana ng kotse nito nang mapansin niyang seryosong nakatutok ang mga mata nito sa harap ng Gem Galore