CHAPTER 53 Nang sumunod na araw ay pinilit ni Cara na kalimutan ang ngitngit na nadarama niya para kay Leandro. Kasal man sila ay wala na siyang karapatan na mangialam pa sa buhay nito sapagkat pagkatapos ng isang buwan ay maghihiwalay din naman sila. Kaya naman kahit nais niya sanang alamin kung saan ito nagpunta kagabi ay hindi na siya nagtanong pa. Ni hindi na niya inalam kung sino si Ciara Arella. Business associate ba ito ng kanyang asawa? Trabaho ba ang dahilan kaya ito nagkikita? Or maybe they are seeing each other and having a date? Hindi malayong mangyari na ganoon nga. Lalo pa at si Leandro na ngayon ang nagpupursige na ituloy nila ang kanilang annulment, bagay na parang gustong salungatin ng kanyang puso. Nagtuloy siya nang araw na iyon sa Gem Galore. She had a meeting with