Maghapon na sumasakit ang ulo ko dahil sa pagbabangayan ng mga miyembro ng Elitista at si Niccolo. Well, si Niccolo versus Jake and Julius naman most of the time. Para silang mga aso't-pusa na kahit simpleng bagay na wala naman dapat pagtalunan ay nagagawa pa rin na pag-awayan. At hindi ko masisisi ang mga kaibigan ko kung bakit ganoon na lamang din ang inaasal kay Niccolo. Lahat naman talaga kami ay nagulat at hindi inaasahan ng lahat ang pagbabago na ito. Pati ang pagsama niya sa Elitista ay hindi ko inakala. Nang matapos ang klase ay nakabuntot na naman sa amin si Niccolo papunta sa tambayan ng mg Elitista. Naabutan na namin do’n sina Julius at si Audrey. “Kasama ka na naman? Buntot ka talaga. Wala ka pa bang balak na umuwi? Bakit hindi kaya hanapin mo na lang ang nerd mo?” asar na asa