Bumaha ng luha ng araw na iyon na palayain ko ang sarili ko sa pagmamahal ni Niccolo. Hindi ko inakala na mapapanindigan ko ang desisyon na iyon pero nagawa ko. Masakit? Oo, dahil hanggang ngayon ay patuloy ko na iniiyak ang araw na iyon. I lost two persons that day: Jake and Niccolo. Jake chose to let me go, while I chose to let Nic go. Gaano ba kakomplikado ang magmahal? Sobra! Hindi maaari na sa pagmamahal lamang umikot ang isang relasyon. Kailangan na may kasama na tiwala at paniniwala sa bawat isa. Hinding-hindi na uubra kung may kulang. At iyon ang pareho na wala na sa amin ni Niccolo. He didn’t trust me before, kaya ano ang panghahawakan ko na tiwala na mayro’n siya para sa akin? Wala. Nagtiwala ako sa kan’ya noon, pero sinira niya ang tiwala na iyon. Kaya ano rin ang panghahaw

