Nanggigigil at nagpupuyos ako sa galit nang makarating kami sa tambayan ng Elitista. The nerve of that guy na banggain ako. Hindi niya ako kilala at lalong hindi niya alam kung sino ang binabangga niya. Ang kapal ng mukha niya na paghintayin ako sa wala just because of that girl! Pagkatapos ko na subukan na maging civil sa kanya at upang mas maging maayos kahit paano ang pagsasamahan namin ay ganito pa ang gagawin niya! Hindi ko talaga mapapalampas ito! Laking gulat ko kanina nang biglang dumating si Jake sa bahay upang balikan lamang ako. Mas lalo na hindi ako makapaniwala nang sabihin niya na wala na akong hinihintay na sundo dahil nasa unibersidad na si Niccolo at kasama nito na dumating si Krishna. Galit ang unang emosyon na naramdaman ko nang marinig iyon. Gustong-gusto nang pumatak