PANGAPAT NA KABANATA
Nakapikit ang mga mata ni Agatha habang nakahiga siya sa kama, pabaling-baling ang ulo niya dahil sa panaginip niya, pero higit pa doon ang nararanasan niya, nararamdaman niya ang sakit at paghingi ng tulong ng kaibigan niyang si Dexter.
~*~
“AHHHHH!” singhal ni Dexter nang pasuin siya ng sigarilyong sinindahan ng dalaga na agad na dinikit sa leeg niya, kabadong-kabado siya, taas-baba ang dibdib niya dahil sa kabang nararamdaman niya at takot sa mala-demonyong kaharap niya. May iimpit na singhal galing sa kanyang mga bibig nang ilang beses na maramdaman niya ang kakaibang sakit na sumusunog sa balat niya.
“Ta-tama na, hindi ko na kaya Margaret, itigil mo na ‘to,” pagmamakaawa niya, noong gabi ng biryernes pa siya hinahanap ng mga magulang niya, ni hindi din siya nakipagkita sa kasintahan niyang si Daina dahil natatakot siyang baka ilabas ni Margaret ang sekreto nilang dalawa, na may relasyon sila, pero napilitan lang si Dexter sa kagustuhan ng dalaga dahil naawa siya dito, pero mas mahal parin niya ang kasintahan na si Daina.
Sa loob nang isang buwan madalas may nangyayari sa kanilang hindi maganda ng patago, hindi niya gusto ang nangyayari sa kanila pero nasa patibong na siya at hindi na siya makakalabas, ayaw niyang makipaghiwalay sa kasintahan kaya pinapatuloy niya ang gawain nila ni Margaret.
“Iiwanan muna ba si Daina?” maamong tanong ni Margaret habang namimili ng patalim na pwedeng ipanakot sa binatang nakatali sa isang poste at nakatayo, nakahubad-hubad din ito, nasa isang silid sila, silid ng dalaga, pero may kulungan ng mga aso, mga asong gutom sa gilid ng isang chamber na gustong-gustong lapain si Dexter.
Yan ang madalas itanong kay Dexter ng dalaga, pero parehas lang naman ang palagi niyang sinasagot, “hindi! Hindi ko siya iiwan, patayin muna lang ako pero hindi ko siya iiwan, sa umpisa pa lang naman ikaw na ang may kasalanan nito, kong hindi lang ako naawa sayo nang iwan ka ni Xander, hindi ko magagawa sayo ‘to!”
Agad na umakyat ang galit ng dalaga sa kanyang ulo, kinuha niya ang dos por dos sa tabi ng lamesa kong na saan siya, kinuha niya at pinang-gigilan na pinaghahampas ang binata, mas natatawa siyang marinig ang malalakas nitong sigaw, dahil sound proof ang buong lugar walang makakarinig sa kanya mula sa labas, pawisan siyang huminto, ang mga pasa sa katawan ng binata at pumutok, latang-lata ang binata.
Kong hindi naman mapapasa kanya si Dexter, mas magandang patayin na lang niya ito, ‘yon ang nasa isip niya, patayin na lang ang binata, isang masaya at magandang ideya para sa kanya, hindi niya maiwasang ma-excite at matuwa sa gagawin niya. Nakakailang lalaki na ba ang pinatay niya dahil hindi siya gusto, dahil ginagamit lang ang katawan niya, kaya gusto niyang pagbayarin ang lahat ng gumamit ng katawan nila.
Animoy baliw siyang nakangiti sa lamesa at lumapit doon, kinuha niya ang pinatalim na itak at muling bumalik sa binatang halos mamamatay na sa sakit na nakuha niya sa paghahampas sa kanya ng dalaga, nang makalapit siya sa nakataling binata, agad niyang initak ang ari nito at lalong umalulong ang sigaw ng binata sa sakit.
“Yan ang napapala ng lahat na lalaking katawan lang ang habol sa akin!” Pagsasabay niya sa pagsigaw ng binata. Initak din niya ang nakatali sa binata para makatayo pa ito sa may poste ngunit agad din itong bumagsak sa sahig, “hindi pa tapos yan kasi nag-uumpisa pa lang tayo Dexter!” pakanta niyang sabi, wala siyang pake alam sa nagkalat na dugo sa paligid at sa kanyang damit na suot.
Agad siyang lumapit sa kulungan ng mga aso at nang buksan niya ito agad na kumawala ang mga Siberian husky na alaga niya papunta kay Dexter, dahil sa tatlong araw niya itong hindi pinakain agad na nilapa ang binata, ngiting-ngiti siyang pinapanood ang binata na kinakain ng aso niya, tapos biglang nalungkot ang mukha niya.
May mga luhang umaagos sa kanyang mata, “anong nangyayari, kasalanan naman niya diba?” sabay tango sa sariling sagot, “tama siya nag-umpisa nito at ako naman ang magtatapos, ayokong mapunta siya sa girlfriend niya, akin lang si Dexter,” bigla na naman siyang napangiti habang hindi parin na hinto ang pag-iyak niya.
Huminto ang dalawa niyang aso nang matapos ito at mabusog, muli niyang pinasok sa kulungan ang mga ito, pinagmasdan ang humihinga parin na binata, pero manhid na ang buo nitong katawan, kinuha niya ang taling nakatali padin sa katawan ng binata at hinila ito papunta sa bilog na pintuan kong saan pintuan ‘yon ng isang chamber, nang maidala niya ang binata sa may pintuan agad din niyang binuksan ito.
Lumabas ang napakalamig na hangin na nanggagaling sa loob, nakita din niya ang sampung biktima na ginawan niya ng ga’nun, lahat kinukulong niya doon para walang makakita ng ebidensya niya, dinala niya ito sa gitna katabi ng iba pa na ga’un ang nangyari katulad kay Dexter, nilapa ang sikmura, sinunog ang balat, pinutol ang ari, pinaghahampas sa katawan at katulad ni Dexter mamamatay din ito sa lamig sa loob ng kakaibang chamber na ‘yon.
“Wag kang mag-alala Dexter, ilalabas din kita dito pagtulog ka na, para naman makita ng girlfriend mo na akin ka lang,” sabay tawa niya, dilat na dilat lang ang binata habang pinapakinggan siya. Saka siya lumabas ng silid at sinara ang pinto ng chamber, animoy nakahinga siya ng maluwag.
~*~
Napadilat si Agatha habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata, hindi siya makapaniwalang mapapaginipan niya ang nangyari kay Dexter, ang brutal na pagpatay sa kanyang kaibigan, nagsisisi siyang ngayon lang niya ito nalaman kahit na noon pa lang naman maaga naman lumabas ang mga maari niyang makita.
Dahil si Agatha ay hindi normal na estudyante, walang nakakaalam kong di ang doktor niyang si Dr. Aguilar, noong high school students siya nang malaman niyang hindi siya normal, nakikita niya kong paano namamatay ang malapit sa kanya, dalawang beses na itong nangyari sa kanya, noong una sa bestfriend niyang si Jomar, pangalawa kay Kyle at pangatlo na kay Dexter. Nalalaman niya sa pamamagitan ng panaginip o kaya’y bigla na lang niyang makikita sa kanyang isipan, hindi niya alam kong bakit siya may ga’nung kakayahan pero sabi naman ng iba tinatawag itong clairvoyants.
Dahil ngayon na lang nangyari ito kay Agatha, huli na rin nang makita niya kong paano mamamatay si Dexter, agad siyang umupo habang pinupunasan ang luha niya, malinaw sa kanya ang nakita sa panaginip na animoy nanonood lang siya ng telebisyon, pati ang paghingi nito ng tulong naririnig niya, pero hindi niya maaninag kong sino nga ba ang tinatawag nitong Margaret, malabo parin kay Agatha ang lahat, tumayo siya mula sa pagkakahiga, bumaba siya sa kusina para uminom ng tubig at uminom, iniisip niya kong paano ba siya makakatulong para mahanap ang pumatay sa kaibigan niya.
Kong dati binabaliwala lang niya ang kakayahan niya, gagamitin na niya ito para sa kaibigan niya, napaisip siya na baka siya may ga’noong bagay dahil makakatulong ito sa kanya.