PANGWALONG KABANATA Simula nang hawakan nila Alex ang bagong kaso palagi na namang niyang hawak ang mga dokumento, sumasakit na ang ulo niya at ito lang ang kasong tumagal ng isang linggo bago mahanap ang salarin. Hindi katulad ng dati na tumatagal lang ng araw, pakiramdam niya nakikipaglaro sa kanila ang suspek pero mas hindi mawala sa kanyang isipan na ang suspek ay si Agatha, lalo na may lumabas na naman na bagong bangkay na kakilala ng unang biktima at ng dalaga. Napasulyap siya sa bagong dating na sila Dante at Jane, nilapag ang mga hawak pa nitong dokumento sa lamesa sa mismong harapan niya. “Katulad ng dati at kaso ni Dexter, wala rin makitang kahit na anong bakas na doon pinatay ang dalaga, mukhang sa ibang lugar siya dinala bago siya dalhin sa sementeryo, pati yong kubo na andoo