PANGISANGPOT-DALAWANG KABANATA Umuulan sa araw na ‘yon, halos walang lumalabas sa campus para tumambay sa labas o kahit sa field man lang, may ilan naman nagsisitakbuhan galing sa gate papasok sa loob ng campus para hindi mabasa ng ulan, lalo na yong mga walang payong. Naglalakad si Xander sa pasilyo ng campus nila nang matanaw niya sa di kalayuan si Agatha, patakbo itong papunta sa campus kong na saan din siya, wala itong payong, basa na rin dahil sa ulan, naglakad pa siya para makasalubong niya ang dalaga, hanggang sa makita niyang madulas si Agatha sa basang sahig sa pasilyo, nahinto siya sa paglalakad dahil wala man lang tumutulong kay Agatha. Lumapit na siya agad kay Agatha, nilahad niya ang kamay, saka lang tumingala ang dalaga sa kanya, makikita sa mukha ng dalaga ang pagkagulat,