PANGTATLONGPOT-ISANG KABANATA Sinabi ni Alex kay Agatha na wag nang masyadong mag-aalala sa kaso, pero nagsekreto si Agatha, hindi siya pumasok, gumawa siya ng paraan para makalabas ng paaralan, pagkatapos n’un ay agad siyang dumiretso sa opisina nila Alex, alam niyang wala doon si Alex, wala rin si Jane dahil hinihintay parin si Manuel na magising at alam niyang si Dante lang ang maiwan doon. Pinabagabag siya sa kanyang nalaman kanina lang, may kulang sa mga litrato nang sabihin din ni Jane na kong sino ang kulang ay siya ding killer, marami siyang tanong sa isipan niya na baka nga possible ang nasa isip ni Jane, kaya kailangan niya itong malaman sa kanyang sarili. Pagkarating pa lang niya sa opisina, nakita niya agad si Dante habang kumakain ng chocolate bars, gulat na gulat pa ito nan