Honey's POV Bigla na lamang tumalsik ang hawak na baril ni Elise, kasunod niyon ay nagsunod-sunod na ang putukan sa itaas na bahagi. May mga sigawan din akong naririnig mula doon at mga sasakyang dumaraan na may kasamang malalakas na mga busina. "Honey!" Napatingala ako at natanaw ko mula sa itaas si Geoff habang may hawak na baril. Malamang ay sa kanya nanggaling ang balang tumama sa baril na hawak ni Elise kanina. "Akala mo, makakaligtas ka pa dito?! D'yan ka nagkakamali! Halika dito, babae ka!" Bigla akong naalarma nang mabilis na tinungo ni Elise ang lubid na nakapulupot sa kahoy kaya naman mabilis kong hinawakan ang lubid na nakagapos sa mga kamay ko at pinilit kong gumalaw. Sumayaw ako sa hangin. Mabilis kong inabot ang leeg niya gamit ang mga paa ko at hinila siya palayo sa t