Fifty-one "Mam---ma! M-am, Maaa!" hindi ko maiwasang matawa ng makita ko ang nakasimangot na mukha ng aking asawa. Pare-pareho kaming nakahiga sa kama nasa gitna ang anak naming si Shannon Erickson. Kanina pa kasi tinuturuan na kahit mabigkas man lang nito ang Daddy, Papa o Dada. Pero ang anak namin puro mama ang inilalabas ng bibig. "Gosh, ako ang palaging nagbabantay sa'yo sa gabi buddy! Call me Dada! Come on!" sabi nito sa anak namin. Ngunit bumungisngis lang ito. "Anak, magtatampo na ang Daddy!" "Maaaa, Mam---ma!" ulit nito. Sumusukong ibinagsak ni Shade ang ulo sa unan n'ya. Natatawang pinanonood ko lang ito. "Ayaw ba n'ya sa akin? Kulang pa ba ang pagmamahal ko?" "Crazy, of course gusto ka n'ya. Kapag nga sinasabi mong 'you need to poop na' tumatae naman s'ya." Sumimangot

