Forty-nine "Kumalma ka nga, Shade!" sermon ko sa asawa ko na 'di na mapakali kalalakad. Maingay rin sa labas ng silid dahil sa mga kaibigan nitong tinawagan nito ng biglang nakaramdam ako ng contractions. Actually kasarapan ng tulog namin ng biglang humilab ng konte ang t'yan ko. Napabalikwas ng bangon si Shade na 'di ko man sinadya pero 'yong buddy nito sa ibaba ang nakapitan ko. Literal na humiyaw ito. Paulit-ulit akong nag-sorry rito. Alam kong nasaktan ito. Sa dami naman kasi ng pwedeng lapitan ay iyon pa. "Dalhin na kaya kita sa hospital! Tinawagan ko na ang doctor mo!" aligagang sabi nito. Parang mas mauuna pa itong mawalan ng ulirat sa sobrang taranta. "Sabi ni doc kung pakiramdam ko ready na talaga si baby pumunta na ako! Pero hindi ko pa naman nararamdaman 'yon!" paliwanag

