Forty-Two Ngiting-ngiti si Shade sa maliit na entablado at hawak ang microphone. Habang ako nakaupo lang sa upuang nakalaan sa akin at malawak ang ngiting pinapanood ito. Maingay ang grupo ng dumating kanina. Paulit-ulit ang tanong kung ano ang mayroon, kung bakit naghimala si Shade para gumastos at ilibre ang grupo. Nakakatuwa dahil hindi naman napipikon ang asawa ko. Mukha n'gang masayang-masaya ito para mainis sa pang-aasar nila. Ngayon nga halatang excited ito na sabihin na sa mga kaibigan ang magandang balita. "Ano ba ang rason at nagmilagro ka ngayon?" nakangising sabi ni Gage. Nagtawanan ang mga ito habang si Shade huminga muna ng malalim. Waring sa sobrang excitement ay masyadong na-o-over whelmed. "Milagro ba?" singit ni Abram."Oh damn oo nga! Naghihimala ang langit!" sabi ni S

