CHAPTER TWENTY-SIX

1572 Words
"IT'S been a while since you and my daughter had settled down, anak. Wala ka pa rin bang planong harapin ang nakaraan mong buhay?" tanong ni Oliver Antimano sa manugang. "Mayroon po, Daddy. Ngunit gusto kong surpresahin ang sablay kong kaibigan," tugon nito. Kaso dahil hindi naman sanay at walang kaalam-alam ang asawa kung ano ang tinutukoy nito ay bahagyang kinurot. Mabuti na lamang ay naging maagap si Ginoong Oliver. "Christine anak, maaring hindi ko sila nakasama ng matagal ngunit tawagan na nila iyan noon pa man. I met that friend of your husband almost two years ago. His name is Artemeo Aguillar. Subalit Romeo Sablay ang ipinakilala sa naging boss when he was seeking justice for his friends whom he thinks that were dead." "Sherwin anak, kung hindi ako nagkakamali ay running for promotion as Brigadier General ang kaibigan mo. Ayon kay General Valdemor ay confirmed ang promotion na iyan. So, if you are planning to surprise him during his promotion day, susuportahan kita. Gusto ko rin ang taong iyon. He is a very talented man, yet a very humble person." Pinaglipat-lipat ng Ginoo ang paningin sa anak at manugang. Samantalang sa narinig ay napangiti si Sherwin. Walang ibang mas natutuwa sa bawat promotion ng kaibigan niyang sablay kundi siya. "He deserves it all, Daddy. Tungkol po sa surpresa ay iyan po ang plano ko. Ngunit kailangan kong makausap ang mga magulang niya. Even his superiors in Camp Villamor. Dahil talagang nakaplano na ang surpresa ko para sa kaniya pero hindi sa promotion kundi sa kasal nila ni Lampa." Pahayag niya. Dahil sa tulong ng biyanan niyang nagtatrabaho sa AFP ay nalinis ang pangalan niya. Kaya't naging malaya rin siyang nagpabalik-balik sa Baguio. Kaya nga niya nalaman ang tungkol sa kasal. "Hey, wifey. Bakit ka ba nangungurot? May kasalanan ba ako sa iyo na hindi ko nalaman?" maang niyang tanong. "Hubby, kanina Sablay ngayon naman ay Lampa. Murder mo naman masyado ang iyong kaibigan," tugon nito na pinanlalakihan siya ng mata. "Wifey, kagaya ng paliwanag kanina mi Daddy tungkol kay Sablay ay mga bata pa lang kami ay magkakakilala na. He is literally Sablay. Madalas sumemplang kahit sa operasyon. Ngunit sa maniwala ka man o hindi ay iyan ang assets niya. Lampa? Kasintahan ni Pareng Sablay. Silang dalawa ang nagpauso ng Sablay Dulay at Clumsy Queen. Surene Cameron Boromeo ang full name ni Lampa. Kaya't huwag mong alalahanin ang tawagan naming ganoon. Sanay na silang dalawa. Malala pa si Surene, masungit na sablay ang tawag." Well, he miss his friend a lot. Subalit dahil sa plano niyang surpresahin ang mga ito ay tinitiis niya ang sarili. "Kung ganoon ay dumalaw kayong mag-asawa sa lugar nila. Oras na rin upang magkita kayo ng kapatid mo. Kung hindi ako nagkamali ng pang-unawa ay nabanggit mo noon na isinunod nila ito sa Aguillar. We can do it in same way o ang ibalik ang tunay na apelyido o ang Abrasado." Ilang sandali pa ay pahayag ni Ginoong Antimano. Isa iyon sa gustong-gusto ni Sherwin sa biyanan. Napaka-supportive nito sa kaniya kahit sa ano mang bagay. Lalo na noong nagpakasal sila ng long lost daughter nito o si Christine. "HOW'S the preparations going on mga dude?" nakangiting tanong ni Oliver Smith sa mga kaibigan. "Dito sa bahay naka-address ang wedding gown ni bunso, dude. Pero kaming mag-asawa ang kukuha sa kumpanya upang masipat ng husto," tugon ni Allen. "Ah, by the way, Dude, ang mga magulang ni bunso? Kailan daw sila darating?" Baling naman ni Bryan sa katatapos nagsalita. "A week before the wedding, dude. Ngunit walang problema. Ang mahalaga ay makarating sila. Alam naman nating lahat kung ano ang temper ni bunso. They just reconciled few months ago. Dahil na rin sa mga advices nating lahat at mga parents ni bayaw," paliwanag nito. Subalit napatingin sila sa pangiti-ngiting si Roy. "Dude? Would you mind sharing with us what's on your mind?" ani Ralph Raven na tahimik din sa kinauupuan. And, yes, it! Kung ano man ang binitiwan nilang salita noong natapos ang last operation na sila ang bahala sa lahat ay pinanindigan nila. Labis-labis nga ang pagtutol ng mag-asawang Gorya at Ruben nang dumulog silang lima. Ngunit ang mga babae naman ang sumabad. 'Tatay, maliit na bagay lamang ito kumpara sa buhay na inialay ninyo sa akin. Kung hindi dahil sa inyo ni Nanay ay wala ako sa ngayon. Kapatid ko si Romeo at magpinsan naman sina Pareng Allen at hipag Surene. Kaya't walang naiiba. Kaya po huwag na kayong umangala,' pahayag ni Roy. 'Tama po ang asawa ko, Nanay, Tatay. Ang panghanda n'yo sa kasal nila ay ilagak n'yo sa bangko para sa mga magiging anak nila. Dahil papanindigan naming sagutin ang kasal.' Pagsang-ayon pa ni Sheryl. Ganoon din ang ibang membro ng circle of friends. Ginawa nila ang lahat at hindi pumayag na sumalungat ang mag-asawang Gorya at Ruben. "ACTUALLY, maaring nakalimutan n'yo mga dude ang binanggit ng mga Generals sa kampo. I mean, about Romeo's latest promotion as Brigadier General. Dahil kako kung puwedeng isabay sa kasal nila ay ipakiusap natin kay General Valdemor. And..." Sinadya namang ibitin ni Roy ang sinasabi lalo at kitang-kita ang kaseryusuhan ng mga kaibigan. "Hep! Hep! Bawal ang manapak mga dude. May balak pa akong magparami ng lahi naming Calvin." Nakatawang umiwas si Roy sa nakaambang sapak sana ng mga kaibigan. "Tsk! Tsk! Then, just go straight to the point, dude. May nalalaman ka pang pabitin-bitin eh." Taas-kilay tuloy ni Oliver Smith na kaagad ding sinundan ni Ralph Raven. "Tama naman si Dude Oliver. Ano ba iyon? Susme, sabi nga ni boss ay mga militar tayo at laging straight to the point," anito. Kaya naman ay sumeryoso na rin si Roy bago nagwika. "Do you still remember my brother's friends? Sina Captain Ruiz and Captain Abrasado," aniya. "Wait, dude. Those two young captains were dead for almost three years now. Even Col Aguillar passes three promotions within those years. Ano ang mayroon sa kanila, dude?" kaaagad na tanong ni Bryan. Kaso! Imbes na magsalita at magpatuloy ang kaibigan nila sa sinasabi ay nagbigay-daan. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kanilang mga mata! "KUMUSTA po kayo mga Sir---" Hindi na nga nila pinatapos ang bumabati sa kanila. "Captain Abrasado?!" "Buhay ka?" "Is that really you?" "Ano'ng nangyari?" Sabay-sabay at walang sablay! Maliban na lamang sa military Colonel na si Sablay Dulay! Tuloy! Napakamot sa ulo si Sherwin. "Go ahead, Captain Abrasado. Ikaw na mio ang magpaliwanag kung bakit ngayon ka lang nagpakita samantalang inakala ng lahat na patay ka na. Don't worry, masaya lang kaming muli lang nagbalik." Tinapik-tapik naman ni Roy sa balikat ang kaibigan ng kapatid niyang binansagang Sablay. Huminga ng malalim si Sherwin bago nagsalita. "Mahabang kuwento po mga Sir. Ngunit nang araw na iyon, noong pinatakas ko ang tatlo kong kaibigan ay inakala ng lahat na patay na ako. Ngunit may mga tao pa ring mas nanaig ang pagtulong sa kapwa. Ayon sa mga tumulong sa akin ay CHAIN OF LOVE daw. Sila ang nagbigay ng pangalawa kong buhay. Dahil din sa kanila kung bakit hindi ako nakikita noon ni Pareng Sablay sa grupo ni Valderama. Saka lang ako nagpakita sa kaniya noong itinakas niya si Attorney Concepcion dahil ako ang sumabotahe noon alang-ala sa sablay na iyon. Gusto kong bumalik siya sa Camp Villamor. Ngunit sa reaksiyun ninyo mga Sir ay pinanindigan nitong tahimik tungkol sa akin. Lalo at pinakiusapan kong huwag munang ipaalam sa lahat na buhay ako. Dahil kako aayusin ko muna ang aking buhay. Recently, sigurado akong nabalitaan ninyo ang pagbagsak ng buong pamilya De Ocampo. Ako ang nasa likod ng lahat. In legal, and proper way. With the help of my boss, Oliver Antimano, who is currently working in AFP." Dahil kinapos siya ng hangin ay bahagya siyang tumigil sa pagsasalaysay. Kaso inisip naman ng mga ito na tapos siya. "Ibig mong sabihin ay ikaw ang tinutukoy ni Artemeo nagpadala ng ebidensiya? Ang taong nakipag-usap kay Attorney Concepcion? Ang reliable na tagapadala ng impormasyon? I never expected na ikaw noon ang kasama ni Mr Antimano. Surely, we know him. Nasa iisang propesyon tayong lahat," sunod-sunod na sambit ni Roy. "Sa lahat ng tanong mo, Sir, OO ang sagot. Ngunit ngayong nasa maayos na ang lahat ay makikiusap naman sana ako sa inyo," tugon ni Sherwin saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga nandoon na halatang hindi pa rin makapaniwala sa katotohanang buhay siya. "Go ahead, Captain Abrasado. Sabihin mo kung ano iyan at ating mapagnilay-nilayan," mabilis ding sambit ni Bryan ng nakahuma. Kaya naman ay pumagitna si Sherwin saka iminuwestra na may ibubulong siya! Dahil dito ay hindi nagsayang ng oras ang mga ito. Ganoon din siya, ipinahayag niya ang tunay na dahilan kung bakit nandoon siya. 'SURE NA SURE! NGAYON PA LANG AY PAPAYAG NA KAMING LAHAT,' sabayan nilang sambit! Then, so it be! KINAHAPUNAN oras na ng uwian. Kaya't matiyangang naghintay si Surene na matapos ang future husband niya. "Kanina ka pa, Lampa ko?" kaagad na tanong ni Artemeo sa kasintahan matapos itong hagkan. Nasa loob naman na kasi ito ng sasakyan niya. Kaya't naging mabilis silang nakalabas sa kampo. "No, Sablay ko. Halos nagsabay lang tayo. Hmmm... Maaring ideretso mo ako ngayon doon kina Kuya? May kukunin lang ako sa aking silid noon," sagot nito saka inayos ang kanilang seat belt. "Walang problema, Lampa ko---" Nasa kahabaan sila ng biyahe nang basta na lamang nagpaulan ng bato! Tuloy! Wasak ang salamin ng buong sasakyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD