RECEPTION AREA
Kung saan ginanap ang seremonya ng kasal ay doon din ang reception. Ang pagkakaiba lamang at tinanggal na ang mini-altar kung saan binasbasan ng pari ang ikinasal. Ang reception ay mix celebration both modernised and ethnic. Sa kadahilanang ang groom ay tubong Mt Province at ang bride ay Phil-Am.
Kahit ang mga tugtugin ay ganoon din. May gong kung saan sinayawan ng lahat nang nagsidalo sa kasal. TADEK, BALLIWES at LABLABA-AN.(Ethnic dances of CAR REGION) Kahit nga ang mga magulang ng bride ay hindi exception. Each of the three has different moves. Especially the last one. They sway and dance the same as a bird flying up in the sky.
(Maunawaan iyan nang mga kagaya kong taga-North Luzon particularly in CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION)
Then...
"And now let us give a chance to the newly weds to have their dance. Para naman po makapagpahinga ang ating mga kapatid na taga-tugtog ng gong. Sir Artemeo and Ma'am Surene, kindly move forward, please? Music Maestro." Malakas at masuyong pahayag ng emcee.
Dahil dito ay inalalayan ni Artemeo ang asawa upang pumagitna sa bulwagan.
They are in the middle of the crowd once again. Holding each other as they move according with a sweet music. Her arms were in his broad chest while his arms were in her hips.
Kaso!
"Sana matapos na ang music na iyan, Sablay. Kanina pa ako nangangawit sa kakatayo," nakasimangot na wika ni Lampa.
Mabuti na lang at hindi halata!
"Lampa ko naman. Katatapos lang ng seremonya ng kasal natin ngunit nagrereklamo ka na? Wala naman akong naririnig mula sa iyo kapag nasa operasyon tayo ah," tuloy ay saad ni Artemeo.
"Tsk! Tsk! Paanong hindi ao mangangawit samantalang ang bigat-bigat ng damit kong binili ng mga herodes! Hah! Maari namang simpleng wedding gown lang na mabibili sa bangketa eh." Patuloy sa pagmamaktol ang Lampa!
"Mahal ko, masuwerte na tayong nandiyan sila na hadlang tumulong sa atin na walang hinihintay na kapalit. Kaya't smile na. Pasasaan ba at matatapos din." Pang-aalo na lamang ni Artemeo.
Aba'y baka layasan sila ng grasya!
SAMANTALA sa kupunan ng magkakaibigan.
"Pustahan tayo mga dude nakasimangot na naman si bunso," nakatawang saad ni Bryan habang nakatingin sa bagong kasal na nagsasayaw.
"Honey, maari bang huwag kang ganyan. Aba'y mamaya ay awayin ka nila." Pananawata tuloy ng asawa.
Kaso ang selosang naghulog sa hipag ang sumalo sa pagsagot.
"No, Sis Donna. Huwag mong isipin iyan. Maaring nakasalamuha mo na ang hipag ko pero kapag tumagal ay malalaman mo rin. Hindi iyan nang-aaway. Mabiro oo pero ang away baka sa battlefield puwede pa," saad nito.
Kaso!
"Mama, I'm hungry. Can we eat now?"
Tinig ng panganay ng mag-asawang Roy at Sheryl Faith.
Tuloy!
Hindi na nakapag-asar ang iba pang membro lalo at kitang-kita naman talaga nila ang nakasimangot na side view ng bride.
Well, alam naman nila kung bakit sambakol ang mukha! Ngunit nanatili na lamang silang tahimik dahil nadepensahan na sila. At isa pa ay iba ang iniisip ng mga kululoy! Isa na namang match making! Between the nanny of Harden twins!
BACK to the newlyweds!
"LAMPA ko, may mga bagong dating. Mukhang may hahabol pa. Imbes na makaupo tayo ay hindi na," bulong ni Lampa sa asawa.
"Wait a minute ngunit ayaw kong uminom ng kapeng mainit! Kilala ko ang sasakyang iyan. It's for Sir Oliver Antimano. Pero paano niya nalamang kasal natin ngayon?" may pagtatakang tugon ni Artemeo.
"Mahak kong Sablay Dulay, siyempre malalaman nila iyan. Isa kang Brigadier General at taga-rito sa North Luzon ganoon din ang Sir Antimano na ito at taga-AFP pa. So, hindi na nakapagtataka kung nalaman nila," muli ay saad ni Lampa.
"Nandoon na tayo, Lampa ko. Pero iba ang kutob ko subalit huwag naman sana. Aba'y sayang ang back and forth tickets with free foods and lodging na regalo ng mga Kuya natin kapag nagkataon." Napangiting hinapit ni Sablay ang asawa.
"Tsk! Tsk! Maari bang huwag muna iyan ang isipin mo, Sablay? Halika na at lapitan natin aila. Don't worry, enemies are not that reckless and stupid to attack a place they know that it's guarded by thousands of militaries." Pampalubag-loob na lamang ni Surene sa asawa saka iginaya sa mga bagong dating.
Then....
AT long last!
Kainan na at may kape raw para sa mga mahilig sa kape! Dahil coffee addict ang bride kaya't kahit kasal at may kape masarap sa cake! Kaya naman amg lahat ay nagsikain. Subalit ang bagong kasal na mag-asawa ay iginaya ng heneral sa main entrance ng kampo. Kaya naman ay taos-puso silang sumunod lalo at nakilala ni Artemeo ang sasakyan. Isa itong opisyal sa AFP.
"Congratulation to both of you, Brigadier General Artemeo Aguillar and Surene Boromeo Aguillar. Best wishes and mau God bless you abundantly." Masayang pagbati ni Officer Antimano kasabay ng paglahad sa palad.
"Thank you, Sir." Malugod namang tinanggap ng mag-asawa ang palad ng opisyal kasabay ng kanilang pasasalamat.
Kaso!
Nagulat silang lahat dahil bukod sa bumukas ang kabilang panig ng car door ay ginulat sila nang lumabas!
"Sherwin!!!"
"Captain Abrasado, you are alive!"
Sabayang sambit ng Sablay at Lampa!
Kaso ang luko-luko ay kahit kasal ng mga kaibigan ay hindi pinatawad.
"Patawarin ako ni Pareng Jonas ngunit sigurado akong naglulundag iyon sa tuwa sa piling ni BOSSING. Dahil sa wakas ay natupad na ang matagal naming inaasam-asam. Ang ikasal ang SABLAY DULAY at CLUMSY QUEEN na naging LAYAS QUEEN.
By the way, masaya ako pa sa inyong dalawa, Artemeo and Surene. This is your wedding day that is why I will not have anymore speeches. Congratulations to you both."
Hindi na nito hinintay na may makasagot sa kanila. Kinamayan ang bride na nagsalubong ang kilay samantalang nakipag-beso-beso sa matalik na kaibigan bago tinapik-tapik sa balikat.
"Hah! May araw ka rin sa akin, Abrasado. Ngayon ay alam ko na kung bakit pangiti-ngiti lamang sina Nanay at Tatay noong binanggit kita. Ang dalawang lukreng kaya pala ang lakas mang-asar dahil kami ng asawa ko ang walang kaalam-alam!" ani Artemeo panunukoy sa mga magulang at kapatid.
"Sablay ko, mas sisihin mo ang mga Kuya natin. Look at them, sa titig pa lamang nila ay siguradong pakana na naman nila. Well, masaya rin ako."
"By the way, kahit late ko ng nalaman, thank you for surviving that tragedy, Pareng Sherwin. Huwag ka ng umangal. Dahil kahit ayaw ninyong mag-asawa ay Ninang at Ninong kami ng nasa sinapupunan ni Misis. At kung hadlangan n'yo pa rin, well, gagawa kami ng isang dosenang Lampa at Sablay upang matupad ang pagkumpare at kumare natin."
Boom!
Ang Lampa ay kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig samantalang kasal pa lang nila!
Tuloy!
Umugong ang tawanan dahil sa pinagsasabi ng Lampa.
"Still, gusto kong upakilala sa inyo ng maayos ang asawa ko. Everyone, siya si Cristine Grace Antimano Abrasado ang mahal kong asawa. Love ko, they are my friends and family here in Baguio." Ilang sandali pa ay pormal na pagpakilala ni Sherwin sa asawa.
Ang kasal nila ngunit naging instant reunion din ng magkakaibigan. Sa isipan nilang mag-asawa ay iyon pala ang sinasabing surpresa ng mga Kuya nila at ng general. Pinagkaisahan na naman sila ng mga ito. Kaya naman ay nakaisip ng kalokohan si Lampa. Lumapit siya sa mikropono at nagsalita.
"A boundless gratitude of appreciation to all of you, guys, for coming today to witness our wedding day. Maraming salamat po. At kami ay aalis na at magpakarami. Heto po ang flower bouquet ko. (Sabay hagis kung saan hahahahah)
"At heto rin po ang garter ng Sablay Dulay ko. (Ihinagis sa grupo ng kalalakihan particularly sa grupo ng tauhan ng kanyang asawa)
"Salamat po ulit. Continue the party and we're going, bye!" saad niya at kagaya ng nakaugalian ay hinila niya ang kakamot- kamot sa batok na asawa niya. And they drove off to the airport. (Wala na daw si pakialam sa kainanan sila na daw ang magkainan hahhahahaah)