"NASAAN ang asawa ko, 'Nay?" kaagad na tanong ni Artemeo ng makarating sa pagamutan kung saan itinakbo ng mga tauhan niya ang lampa niyang mahal. Kaso ang ina niya ay iba ang isinagot. Mukhang tinubuan ng pagkamasungit! "Ah, nasa fish market at nagtitinda ng mga tinapay! Susme! Natural nasa labour room dahil manganganak na si Surene!" Pero teka lang! Siya naman ang masungit sa pagkakaalam niya! Aba'y bakit nalipat na yata sa kaniyang Nanay! Kaso sa tinuran ng kaniyang ina ay napahagikhik ang mga tauhan niyang sumunod sa tapat ng labour room. "We didn't mean to laugh at you, General. Pero tama naman si Nanay. Kaya nga itinakbo namin dito sa pagamutan si Ma'am Surene dahil manganganak na---" Subalit hindi pa nga natapos ng lady guard ang paliwanag ay binulabog sila ng matinis na pag-i