"WHAT?! Ano ba ang problema ninyong lahat ay parang nalunok na yata ninyo amg mga dila n'yo?!" sigaw ni Lampa. Ilang araw na lang ay kasal na ng panganay nilang anak. Subalit mukhang may humabol pa na kamalasan. "Hindi ko man po masabing huwag kang mag-alala ay ako na po ang magpaliwanag, Tita. Nawawala po si Pareng Dos. Napatunayan na wala siyang kasalanan sa rape case pero ang hospital naman ang nagtanggal sa kaniya sa trabaho. Huli na po noong nalaman ko," paliwanag ni Wayne. "Saglit lang, Hijo. Alam ko ang tungkol sa rape case na iyan pero ang pagkatanggal niya sa hospital ay hindi. Ano'ng problema, anak?" Sa gitna ng galit dulot ng nerbiyos ay nagawa pa rin ni Lampa na harapin ang inaanak at matalik na kaibigan ng anak. "Iyon din po, Tita. Nang dahil sa rape case na iyan ay tinang