AGAD na binunot ng apat na alagad ng batas ang kani-kanilang baril dahil sa pag-aakalang may kalaban. Kahit si Air-Con ay dahan-dahan at patihayang nagtungo sa pintuan saka binuksan habang ang baril ay nakatutok sa nasa labas. Kaso! "Hey, guys! Hindi ako kalaban! I'm Chester Aguillar. One of the twins is Mr and Mrs Aguillar! The so-called General Sablay and the prettiest mother on earth alive. The Clumsy Queen!" Imbes na matakot dahil apat na kalibre kuwarenta-singko ang nakatutok ay nag-martsa pa ang binata papasok sa apartment. "Where have you been, Hijo?" malambing na tanong ni Ginang Lampa kasabay ng pagmuwestra sa mga braso upang yakapin ito. "I've been to London to look at the Queen," sagot ng binata. "Linya ko iyan, anak. Ah, saan na naman kayo nanggaling ng pinsan mo?" saad n