SIMULA ng may nangyari sa dalawa at nagkaaminan ng nararamdaman ay mas naging masaya ang kanilang mga araw habang nasa Lagawe sila. Sa umaga lalo bago sumikat si inang araw ay magkasama silang naglalakad este jogging pala sa paligid ng bahay na kanilang inuukupa. Minsan jogging sila pababa sa bayan at doon mag-ikot-ikot hanggang sa maisipan nilang umuwi. At sa hapon naman ay sa likod bahay sila habang nakaupo at sabay na panoorin ang paglubog ng araw. Minsan kahit ang masaya nilang araw ay nauuwi sa harutan na nauuwi naman sa mainit na tagpo. BUT! Life will not go as we always wish. Isang araw habang sila ay nasa bayan ng Lagawe at magkahawakkamay habang naglalakad. Ang kasiyahan nilang dalawa ay biglang naglaho. Tawag ng tungkulin, napadpad ang grupo ni Ma