TULOG na si Leigh nang makauwi si Terron nang unit. Hinubad ni Terron ang suot na coat at lumapit dito. Binuhat niya si Leigh papasok ng kwarto at inihiga sa kama. "I'm sorry," nakokonsensyang usal niya rito habang hinahaplos ang pisngi saka kinumutan. Hindi niya itatanggi ang kasalanan sa babae. Nang kaninang bumisita siya sa site ay mayroon doong salo-salo, birthday kasi nang isa sa mga trabahador. Paalis na sana siya nang magpumulit si Engr. Agassi namanatili siya kahit saglit. Nag-stay siya doon at nakihalubilo na rin ngunit hindi naman niya nalamayan ang oras dahil masyado na siyang nag-enjoy sa company ni Engr. Agassi. Nakalimot na siya sa pangako kay Leigh na susunduin ito. Malalim na ang gabi ngunit heto at hindi pa rin natutulog si Terron. Nakatayo lang siya sa veranda ng unit